Ang mga troso ay ang mga matitigas na kahoy (trunk of trees) na nakukuha sa kagubatan at kabundukan na ginagamit para sa "woodworks" tulad ng mga lamesa, cabinet at kung ano-ano pang gamit pang bahay, opisina at eskwelahan subalit ang mga ito ay naabuso sa mga nakaraang taon at tuluyang nakakalbo ang mga gubat at bundok dahil sa talamak na "illegal logging" sa bansa
Ang illegal logging ay ang pag-aani , pagdadala, pagbili o pagbebenta ng mga troso sa paraang hindi naaayon o lumalabag sa mga batas.
Sa paraan ng pag-aani, ang mga sumusunod ay mali at iligal:
- Pagkuha nang walang pahintulot o mula sa isang protektadong lugar
- Pagputol ng mga protektado o bibihirang klase ng mga puno (endangered species)
- Pagkuha ng timber na labis o higit sa nakatakdang limitasyon
- Hindi pagtatanim ng kapalit na puno o binhi matapos putulin at kuhanin ang troso
Ang mga Illegalities ay maaari ring maganap sa panahon ng transportasyon tulad ng:
- Illegal processing at pag-export ng walang pahintulot o permit
- Mapanlinlang na deklarasyon sa customs
- Pag-iwas ng mga buwis o taripa at iba pang mga singil
- Mapanlinlang o pekeng sertifikasyon
Ang ilegal na pagputol, pagkuha, pag byahe, pag benta at pag gamit ng mga troso ay nagdudulot ng kasiraan ng ating kagubatan at kabundukan, kamatayan ng mga hayop na naninirahan dito, patuloy na lumalalang pagbaha, landslides at pag angatan ng mga lupa kapag may lindol.
Layunin ng blog na ito na paalalahanan ang bawat isa upang lumakas pa ang kampanya laban sa iligal na pagputol ng mga troso sa bawat lugar lalung-lalo na sa mga sumusunod:
- Sierra Madre Mountain range sa gaming Zambales
- Cagayan Valley
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Quirino
Sa pamamagitan ng pagtanim ng mga halaman na lumalaki upang maging matitibay na puno, pagsunod sa batas at pagtigil sa pagsuporta sa mga produkto ng iligal na pagkuha ng mga troso sa pag rereport sa mga gumagawa nito. Nawa ay tuluyan ng mapuksa ang illegal logging sa mga lugar na ito, sa buong Pilipinas at buong mundo hanggat may natitira pang oras at mga puno upang masagip at maprotektahan. Patuloy sanang makapagtanim upang maibalik ang buhay at sigla sa mga nasirang lugar.
Sa link na ito mababasa ang kabuuan ng batas ng Pilipinas patungkol sa illegal logging: http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2002/ra_9175_2002.html kung sino mang lumabag sa mga nasasaad ay dapat ireport agad sa mga awtoridad.
Paano mo maiisisiguro na maitigal ang proseso na ito??
TumugonBurahinSalamat sa katanungan at interes sa blog na Ito... Gaya nga ng nasabi, ang layunin nito ay makapag bigay alam at sa pagbibigay ay mas lalo pang darami ang magpapalaganap ng kampanyang ito na makakatulong naman sa gobyerno upang mahigpit na mapatupad ang batas :)
BurahinBilang isang estudyante ano ang maari mong gawin upang sugpuin ang illegal logging?
TumugonBurahinBukod sa pagsulat ng blog na Ito, ang mga simpleng bagay tulad ng pagdidilig upang mabuhay ng madrigal ang mga halaman pati narin ang pagtatanim ay aking magagawa...
BurahinBilang isang mag-aaral na nasa murang gulang pa lamang, ako ay lubos na humahanga sa iyong pagbibigay-pansin sa isa sa mga pinakamalaking suliranin ng ating kalikasan.
TumugonBurahinMaraming salamat po! Mangyari lamang po nawa bukod sa inyong paghanga sa adhikaing ito ay magbigay suporta rin po kayo sa pamamagitan ng pakikibagay :) Ang blog pong ito ay parte ng mas malaking kampanya ng mga blogs ukol sa kalikasan sa aming klase sa Filipino :) Makakarating po sa aming guro ang inyong positibong komento
BurahinNaway marami pang batang katulad mo ang maenganyo sa pagtulong sa pagsasalba sa ating inang kalikasan. At nawa ang blog na ito ay maging daan ubang mabuksan ang isipan ng nakakarami sa problema ng illegal logging.
TumugonBurahinMaraming salamat po sana ay maging inspirasyon po ang aming proyekto/kampanya lalo na sa henerasyon namin. Makibahagi at magkaisa po sana ang lahat, disiplina po ang susi :)
Burahinnais kitang batiin sa mahusay na paggawa ng ganitong uri ng blog, na may magandang layunin at adhikain, ukol sa isang suliranin sa ating kalikasan na dapat pagtuonan ng pansin. hangad ko ang tagumpay ng proyektong ito.
TumugonBurahinMaraming salamat po sa suporta! Tulad po ninyo hangad naming mga estudyanteng tagumpay ng aming proyekto!
BurahinDapat itong masulusyonan dahil pag nagpatuloy ito ay baka tuluyan ng makalbo ang mga kabundukan at kagubatan maapektuhan rin tayo nito dahil pag nagkaroon ng malakas na ulan o bagyo ay wala ng makakapitan ang lupa at pwedeng matabunan ang mga bahay at tao na malapit sa bundok, pwede naman tayo magtanim ng panibagong puno para palitan ang naputol na puno pwede tong gawin proyekto sa mga barangay at mga eskwelahan para mainganyo ang kabataan na pangalagaan ang kalikasan. Dapat rin humihingi ng permiso sa pamahalaan kung pwede ba ritong pumutol ng mga puno kung gagawin man ito ay dapat rin palitan ang mga pinutol na puno. Para makita at mapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon
Burahinako po ay nalulungkot dahil pagtayo ay nagputol ng puno maaring bumaha at makasira sa kapaligiran at maaari ring na wala tayong pagkuhanan ng mga papel at iba pang kagamitan
BurahinSa aking palagay na bakit nila ito ginagawa dahil kailangan nila ng pera upang magkaroon ng buhay sa kanyang pamilya o sarili, tingin ko ay walang trabaho ay tumanggap sa kanila kaya napilit sila na sumali dito at para ibenta nila ito sa ibang bansa o sa mga tao dito sa ating bansa
TumugonBurahinSang-ayon din ako sa inyong sagot dahil itong uri ng trabaho ay mabilis Lang sundin ng mga Tao
TumugonBurahin