Ang mga troso ay ang mga matitigas na kahoy (trunk of trees) na nakukuha sa kagubatan at kabundukan na ginagamit para sa "woodworks" tulad ng mga lamesa, cabinet at kung ano-ano pang gamit pang bahay, opisina at eskwelahan subalit ang mga ito ay naabuso sa mga nakaraang taon at tuluyang nakakalbo ang mga gubat at bundok dahil sa talamak na "illegal logging" sa bansa
Ang illegal logging ay ang pag-aani , pagdadala, pagbili o pagbebenta ng mga troso sa paraang hindi naaayon o lumalabag sa mga batas.
Sa paraan ng pag-aani, ang mga sumusunod ay mali at iligal:
- Pagkuha nang walang pahintulot o mula sa isang protektadong lugar
- Pagputol ng mga protektado o bibihirang klase ng mga puno (endangered species)
- Pagkuha ng timber na labis o higit sa nakatakdang limitasyon
- Hindi pagtatanim ng kapalit na puno o binhi matapos putulin at kuhanin ang troso
Ang mga Illegalities ay maaari ring maganap sa panahon ng transportasyon tulad ng:
- Illegal processing at pag-export ng walang pahintulot o permit
- Mapanlinlang na deklarasyon sa customs
- Pag-iwas ng mga buwis o taripa at iba pang mga singil
- Mapanlinlang o pekeng sertifikasyon
Ang ilegal na pagputol, pagkuha, pag byahe, pag benta at pag gamit ng mga troso ay nagdudulot ng kasiraan ng ating kagubatan at kabundukan, kamatayan ng mga hayop na naninirahan dito, patuloy na lumalalang pagbaha, landslides at pag angatan ng mga lupa kapag may lindol.
Layunin ng blog na ito na paalalahanan ang bawat isa upang lumakas pa ang kampanya laban sa iligal na pagputol ng mga troso sa bawat lugar lalung-lalo na sa mga sumusunod:
- Sierra Madre Mountain range sa gaming Zambales
- Cagayan Valley
- Isabela
- Nueva Vizcaya
- Quirino
Sa pamamagitan ng pagtanim ng mga halaman na lumalaki upang maging matitibay na puno, pagsunod sa batas at pagtigil sa pagsuporta sa mga produkto ng iligal na pagkuha ng mga troso sa pag rereport sa mga gumagawa nito. Nawa ay tuluyan ng mapuksa ang illegal logging sa mga lugar na ito, sa buong Pilipinas at buong mundo hanggat may natitira pang oras at mga puno upang masagip at maprotektahan. Patuloy sanang makapagtanim upang maibalik ang buhay at sigla sa mga nasirang lugar.
Sa link na ito mababasa ang kabuuan ng batas ng Pilipinas patungkol sa illegal logging: http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2002/ra_9175_2002.html kung sino mang lumabag sa mga nasasaad ay dapat ireport agad sa mga awtoridad.